Wednesday, August 6, 2008

ang crush kong blogger

Masasabi ko na isang paghanga lamang ang aking nararamdaman sa iyo..

Hindi pa man kita lubos na nakikilala pero alam kong isa kang mabait na tao?

alam ko yun dahil nakikita ko sa iyong mga isinusulat...

oo, araw araw akong laman ng blog mo pero hindi ako nag iiwan ng kahit ano mang bakas ko..
gamit ang blog na ito...

ayaw ko kasing malaman mo na humahanga ako sa iyo..

paano ko pala na nasabi na mabait ka?

nababasa ko lang kasi sa iyong blog ang pakikipag kapwa tao mo..
bihira sa isang lalaki ang ganun..
nalaman ko din na maka Diyos ka at alam kong matalino ka..

nasa iyo na halos lahat ng katangian hinahanap ko sa isang lalaki..

alam kong maswerte ang babaeng mamahalin mo.....

anyway, masaya na ako...dahil kahit hindi tayo maging tayo( umaasa tlaga ako?? hehe) masaya na din ako dahil ngayon, alam kong may tao nag eexist na katulad mo...

hmmm...nabawasan na naman ang kinikimkim ko sa aking puso..

naisulat ko din sa wakas ang pagahanga ko sa iyo...

pasalamat ako sa secret blog na ito...kung hindi dahil dito...hindi ko mailalabas kung ano mang meron ako...hehehe...

1 comment:

Anonymous said...

hmmmm..... kakaiba ang magkaron ng crush sa blog no? minsan naisip ko rin na makikita mo talaga ang pagkatao minsan ng isang tao sa kanyang mga sinusulat... another window to the soul? parang ganun di ba? o well.... good luck kahit na feeling mo humahanga ka lang sa malayo... have a good day!